Naghain ng petisyon sina Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima at Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice sa Korte Suprema ngayong araw.
Kanilang inihain ang ‘petition for certiorari and prohibition’ kontra sa ‘unprogrammed appropriations’ ng 2026 General Appropriations Act.
Ayon kay Rep. Leila De Lima, ang petisyon ay upang kwestyunin ang legalidad o pagiging naayon sa konstitusyon ng ‘unprogrammed funds’ sa pambansang budget ngayong taon.
Giit ng naturang petisyuner na hindi sapat ang pag-veto ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na 92.5 billion pesos sa budget.
May natira pa rin aniya kasing nakalaan sa tinatawag na unprogrammed funds na aabot sa 150 billion pesos nakapaloob sa 2026 national budget.
Kung kaya’y alinsunod sa petisyon inihain sa Kataas-taasang Hukuman nais aniyang linawin ng korte ang legalidad sa pagkakaroon ng ‘unprogrammed appropriations’.
Naniniwala siyang hindi umano nararapat na mayroon nito nakapaloob sa General Appropriations Act o ang pambansang budget ng Pilipinas.
Kalakip ng petisyon ay ang kahilingan na mag-isyu ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order at Writ of Preliminary Injuntion, Status Quo Ante Order para mapahinto implementasyon ng ‘unprogrammed funds’.
Dahil rito’y ipinaliwanag pa ng naturang mambabatas kung bakit dapat walang ganitong uri ng pondo nakapaloob sa national budget.
Kanya pang ibinahagi na kung hindi marereolba ang isyu patungkol sa naturang budget ay maaring magpatuloy ang pang-aabuso sa pondo ng bayan.
Bukod sa pa-iisyu ng Temporary Restraining Order, hiling din nila sa Korte Suprema na ideklarang ‘unconstitutional’ ang Section 14 ng Republic Act No. 1214 o 2026 General Appropriations Act partikular sa probisyon nagpapahintulot sa ‘unprogrammed appropriations’.
















