-- Advertisements --

Iginiit ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Martes na ang umano’y ICC arrest warrant laban kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ay nananatiling allegation lamang.

Aniya, wala pang opisyal na kopya ng warrant na natanggap ng DFA, DILG, PNP, o Center for Transnational Crimes, bagama’t may ilang nagsasabing nakita nila ito. “Hanggang ngayon, wala pa talagang warrant of arrest,” sabi ni Remulla.

Huminto sa pagdalo sa Senado si Dela Rosa mula pa noong nakaraang taon matapos ang pahayag ng kanyang kapatid, Ombudsman Jesus Crispin Remulla, na nakita umano niya ang digital copy ng warrant. Sinabi rin ng DILG noong nakaraang buwan na binabantayan nila ang galaw ni Dela Rosa dahil sa posibleng ICC warrant. (report by Bombo Jai)