-- Advertisements --

Ginawaran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng Presidential Medal of Merit sa apat na Filipina na pumanaw ngayong taon.

Ang pagkilala na siyang pinakamataas na awards na ibinibigay sa sibilyan ay tinanggap ng mga kaanak nina actress Nora Aunor, Gloria Romero, beteranang singer Pilita Corrales at multi-awarded chef Margarita Fores.

Sa ilalim ng Executive Order 236 na nagsasabing ang Presidential Medal of Merit ay ibinibigay sa mga Filipinos na nagbigay ng karangalan sa bansa.

Pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang mga kaanak ng mga nakatanggap ng Presidential Medal of Merit.

Giit ng Pangulo na ang iniwang pagkilala ng mga namayapang icons ay hindi matatawaran at hindi mapapantayan.