-- Advertisements --

Nasa code white alert na ang Department of Health (DOH) na naging epektibo nitong Enero 6 hanggang 10, 2026 bilang paghahanda sa Traslacion, na inaasahang dadaluhan ng mahigit 8 milyong deboto.

Magde-deploy ang DOH ng mahigit 200 emergency health personnel sa 20 response stations, habang 20 ospital ang magiging standby.

Pinaalalahanan ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang mga deboto na magdala ng gamot, tubig, magsuot ng komportableng damit, at ID, at alamin ang lokasyon ng medical stations na ilalatag sa mga rutang daraanan ng prusisyon.

Samantala, magpapatupad ang PNP ng gun ban simula bukas Enero 8 hanggang 10, signal jamming, at no-fly zones, at magde-deploy ng mahigit 18,000 pulis para sa seguridad ng selebrasyon.