Ibinunyag ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez ang mga ahensiya na gobyerno na may labis ang kurapsyon.

Kinabibilangan ito ng Deparment of Health (DOH), Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon pa kay Jimenez, kabilang din dito ang National Housing Authority (NHA).

Aniya, mas marami rin sa kanilang natatanggap na reklamo laban sa mga local government units (LGU) subalit nilinaw nila na hindi nila sakop ang mga ito.