MANILA – Pumalo sa 5,000 ang bagong kaso ng COVID-19 na iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong araw.
Ito na ang pinakamataas ngayong 2021, at mula noong August 26, 2020, kung saan nakapagtala ang ahensya ng 5,277 na bagong kaso ng sakit.
Dahil dito sumirit na sa 616,611 ang total ng COVID-19 cases.
“7 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System on March 12, 2021.”
Sumipa naman sa higit 56,679 ang total ng active cases o mga nagpapagaling, na pinakamataas din mula noong nakaraang taon.
Mula sa kanila 92.3% ang mga mild cases, 4.3% ang mga asymptomatic, at parehong 1.4% ang mga severe at critical cases. Habang 0.66% ang moderate cases.
Nadagdagan naman ng 281 ang recoveries na ngayon ay may total nang 547,166.
Habang 72 ang bagong naitalang namatay para sa 12,766 na total death cases.
“6 duplicates were removed from the total case count. Of these, 4 are recoveries. In addition, 1 case was found to have tested negative and has been removed from the total case count.”
“Moreover, 23 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”