-- Advertisements --

Karamihan sa mga agricultural products ng bansa ay exempted na mula sa taripa ng US.

Ayon kay Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Sec. Frederick Go, na naglabas ng executive order si US President Donald Trump na ang mga agricultural products na hindi itinanim sa US ay Hindi papatawang reciprocal tariff.

Tinawag din ni Go na nakakabuti ito sa Pilipinas lalo na sa mga magsasaka.

Sinabi naman ni Trade Secretary Cristina Roque, na ang hakbang ay magbibigay ginhawa sa mga exporters at sa lokal na agricultural industry at mapapalakas ang demand at price stability ng produkto.