-- Advertisements --
Kinondina ng Russia ang ginawang pagkumpiska ng US ng kanilang oil-tanker.
Ayon sa Russian foreign ministry, na dapat ay pabalikin sa kanilang bansa ang mga crew ng nasabing oil tanker.
Naghain na rin ang Russia ng diplomatic protest ukol sa ginawa na ito ng US.
Hiniling nila na tratuhin ng tama ang mga crew ng Bella 1 oil tanker.
Ang nasabing barko ay kabilang sa sanctioned ship ng US na ito ay lumayag sa karagatan ng Venezuela.
Magugunitang bukod sa oil tanker ng Russia ay kinumpiska rin ng US ang oil tanker mula sa Venezuela.
















