-- Advertisements --

Magdedeploy ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga tauhan para tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa Traslacion, araw ng Biyernes, Enero 9.

Ayon kay PCG spokesperson Capt. Noemie Cayabyab, kabilang sa ide-deploy ang medical responders, K9 units, search and rescue teams, at specialized units gaya ng explosive ordnance disposal units, special operations, civil disturbance management, at deployable response groups.

Magpapakalat din ang PCG ng patrol boats at floating assets.

Mahigpit din ang koordinasyon ng PCG sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at lokal na pamahalaan ng Maynila para sa maayos na interagency operations.

Nanawagan naman ang Coast Guard sa publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad sa kasagsagan ng Traslacion.