-- Advertisements --

Nagsumite ng kanilang counter-affidavit ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa P7.1 bilyon tax charge na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon sa Department of Justice (DOJ) na ang initial tax case na isinampa ng BIR noong Oktubre ay matapos na madiskubre na hindi sila nagbayad ng individual income taxes, excise taxes para sa siyam na luxury cars at iba pa.

Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez na magsusumite ang BIR ng kanilang kasagutan sa darating na Disyembre 5.

Magugunitang isinangkot ang mag-asawa matapos na makakuha ng ilang bilyong halaga ng ma-anomalyang flood control projects.