-- Advertisements --
Nakatanggap ang Philippine National Police (PNP) ng P1.67 bilyon na halaga ng armas at sasakyan.
Pinangunahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr ang blessings ng nasabing mga kagamitan na ginanap sa Camp Crame.
Nakuha ng PNP ang pondo ng nasabing mga kagamitan sa pamamagitan ng kanilang Capability Enhancement Programs mula 2022 hanggang 2025.
Ang mga sasakyan ay kinabibilangan ng 383 personnel carriers , 225 light transport vehicles at 432 na motorsiklo.
Sinabi ni Remulla na malaking tulong ang mga kagamitan para mapaigting pa ng kampanya nila laban sa krimen.
Plano rin ng PNP na bumili ng 1,10 na mga sasakyan sa susunod na taon.
















