Nanindigan ang Department of Health (DOH) na dapat pa ring ikonsidera ng pamahalaan ang home quarantine sa mga mild at asymptomatic na kaso ng COVID-19.
Pahayag ito ng ahensya matapos sabihin ni Interior Sec. Eduardo Año na target na nilang ipa-ban ang pagpapagaling sa bahay ng coronavirus patients.
“The DOH has always been consistent in saying facility-based quarantine/isolation is preferred. However, as we are ramping up establishments or conversion of more facilities to TTMFs, the option for HQ (home quarantine) needed to be considered,” ayon sa Health department.
Binigyang diin ng kagawaran ang requirements pagho-home quarantine, kung saan dapat ay may solong kwarto at palikuran ang confirmed case sa kanyang bahay.
Hindi rin pwede na may kasama itong vulnerable, tulad ng matanda at buntis, sa tahanan; at dapat na palagiang namo-monitor ng Barangay Health Emergency Response Teams.
“Otherwise, the patient should be transferred to a quarantine/isolation facility.”
Ayon sa DOH, mahalaga ang agarang quarantine o isolation ng bawat indibidwal sa oras na sila ay nakaramdam ng sintomas ng COVID-19 at nagkaroon ng close contact sa isang confirmed case.
“Let us not lose sight of the issue here — there’s no need to pit one government agency with another — we might just confuse the public. What is important is we know, if in doubt (do I have symptoms? I may have been a contact of a COVID-19 positive patient, etc) isolate/quarantine.”
Sa isang panayam nitong araw sinabi ni Año na pinag-uusapan na ng National Task Force against COVID-19 ang pagbabago sa polisiya.