-- Advertisements --
Posted by Department of Health (Philippines) on Thursday, October 8, 2020

Umakyat na sa higit 6,000 ang bilang ng mga binawian ng buhay sa Pilipinas dahil sa pandemic na coronavirus disease (COVID-19).

Batay sa case bulletin ng Department of Health (DOH), 144 ang nadagdag sa bilang ng mga namatay kaya ang total ay nasa 6,069.

“Of the 144 deaths, 47 occurred in October (33%), 26 in September (18%) 46 in August (32%) and 25 in July (17%). Deaths were from NCR (96 or 67%), Region 4A (14 or 10%), Region 7 (8 or 6%), Region 3 (7 or 5%), Region 6 (6 or 4%), CARAGA (6 or 4%), Region 11 (2 or 1%), Region 1 (1 or 1%), Region 8 (1 or 1%), Region 10 (1 or 1%), Region 12 (1 or 1%), and BARMM (1 or 1%).”

Ang mga bagong kaso ng sakit ay nadagdagan din ng 2,363, na nagpataas pa sa total case count ng 331,869. Nasa 20 laboratoryo daw ang bigong magpasa ng report sa COVID-19 Data Repository System kahapon.

“Of the 2,363 reported cases today, 1,869 (79%) occurred within the recent 14 days (September 25 – October 8, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (734 or 39%), Region 4A (419 or 22%) and Region 3 (159 or 9%).”

May mga naitala rin na kaso ng COVID-19 na noon pang Marso hanggang Agosto nag-positibo pero kahapon lang nai-report.

Nasa 51,482 pa ang active cases. Habang ang total recoveries ay umakyat pa sa 274,318 dahil sa additional na 697 recoveries.

Nagtanggal daw ang Health department ng 131 duplicates mula sa total case count, kung saan 54 ang galing sa recovered cases.

Mayroon ding 48 recoveries ang pinalitan ng tagging matapos matukoy sa validation na lahat sila ay patay na.