-- Advertisements --
Tumutugon na rin ang Philippine Red Cross (PRC) sa pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa bansa.
Nagpadala si Chairman Richard Gordon ng mga nurse mula sa PRC Hemodialysis Center at mga volunteer nurse mula PRC Manila Chapter sa San Lazaro Hospital.
Layunin ng PRC na tumulong sa pangangasiwa ng mga pasyenteng may leptospirosis.
Ayon kay Gordon, “all hands on deck” ang PRC para sa sitwasyong ito upang matutukan ang mga problema.
Paalala sa publiko iwasang lumusong sa baha, magsuot ng proteksiyon sa paa, panatilihing malinis at takip ang sugat, at magpatingin agad kung may sintomas.
Sama-sama tayong kumilos upang maprotektahan ang buhay at mapigilan ang pagkalat ng sakit.