Umalma ang ilang House leaders at members ang naging panawagan ni Senator Imee Marcos na palitan si House Speaker Martin Romualdez.
Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi ni House Senior Deputy Speaker ‘Jay-Jay’ Suarez na walang karapatan ang Senado na magdikta kung sino ang dapat mamuno sa Kamara.
Giit ni Suarez ang naturang desisyon ay nakasalalay sa desisyon ng mga miyembro ng Kamara kung saan mayorya sa kanila ay ibinoto pa rin si Romualdez bilang House Speaker.
Sa panig naman ni House Deputy Speaker Jay Khonghun, dapat pumreno si Senator Marcos sa pagsasalita at may hangganan ang mga puwedeng sabihin sa publiko lalo na kung nakasisira aniya ito sa integridad ng ibang institusyon.
Dapat ding hindi mangielam ang ibang sangay ng pamahalaan sa desisyon ng co-equal branch nito gaya sa pagpilj ng kanilang leader.
Nanawagan naman si Tingog Party-list Representative Jude Acidre na itigil na umano ang parinigan o intrigahan.
Hinimok nito na pairalin ang respeto sa bawat sangay ng gobyerno kahit sa oras ng hindi pagkakasundo.
Nais lamang din anilang tiyakin ang accountability o pananagutan kahit pa sa pinakamataas na mga opisyal ng gobyerno.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima, tahasan nitong sinabi na dismayado siya sa ginawang botohan ng mga senador na i-archive ang impeachment case laban kay VP Sara.
Sinabi ni De lima nakaka dismaya ang ginawa ng mga senador.