-- Advertisements --

Sinampahan ng kasong corruption si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa at limang opisyal ng ahensiya.

May kaugnayan ito sa pagbili nila ng P44.6 milyon halaga ng mga mental health drugs.

Kasamang inireklamo sina Officer-in-Charge and Director for Supply Chain Management Engr. Dave Masiado, DOH Medical Officer IV Dr. Carmela N. Granada, Timotei Jemma A. Rabe, Tasneem A. Amping, Erwin J. Odpoga, at Ramon Guiang.

Base sa reklamo na kuwestiyonable at hindi nararapat ang pagbili ng psychiatric medications sa private civic organization na Rotary Club of Quezon City.

Napag-alaman din na karamihan sa mga gamot na nabili ay malapit ng mag-expire.

Noong Enero 30 ng matanggap ni Assistant Secretary of Health for Public Health Service Cluster and Concurrent Director IV Farwa M. Hombre ang direktiba kay Herbosa na tugunan ang hiling mula sa Rotary Club.

Pagdating ng Pebrero 11 ay naglabas ng Department of Order si Undersecretary of Health Achilles Gerard C. Bravo, na nag-aallocate ng P1,527,686 sa National Center for Mental Health (NCMHI).

Subalit sa ginawang inspection ay nadiskubre na hindi para humihirit ang NCMHI ng anumang pagpondo.

Habang noong Abril 4 ay hiniling ni Herbosa ang mga psychiatric drugs para sa medical mission na gaganapin sa Hunyo 17 subalit walang anumang lugar na nakasaad sa sulat.

Ilan sa mga kasong kinakaharap ng mga opisyal ay ang rave Misconduct, Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, at Violations to the Anti-Graft Law.

Hindi muna magbibigay ng pahayag ang DOH sa pamamagitan ni Dr. Albert Domingo hanggat makuha nila ang kopya ng official na reklamo mula sa Ombudsman.