-- Advertisements --

Suportado ni House Special Committee on Food Security Chairman Adrian Salceda ang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na suspendihin ang pag-aangkat ng bigas simula sa September 1.

Ayon kay Salceda, ito ang tamang hakbang upang protektahan ang mga magsasaka na nag-aani ngayon lalo’t nararapat lang na gawing patas ang presyo sa kanilang produksyon.

Ipinaliwanag ni Salceda na kung maghihigpit sa importasyon ang bansa ay kailangan ang kumpiyansa na sapat at sariwa ang suplay mula sa sariling ani.

Mahalaga umanong masiguro na matatag ang rice sector sa kompetisyon kahit na walang “circuit breakers” na tulad ng suspensyon ng importasyon.

Bilang pinuno ng special committee ay siniguro ni Salceda ang pagsusulong ng policy reforms na magbibigay ng pag-asa sa mga magsasaka gayundin sa mga consumer para sa stable at abot-kayang suplay ng bigas.

Sa panig naman ni Rep. Mark Enverga chairman ng House Committee on Agrculture and Food na suportado nila  ang kautusan ni PBBM na suspendiihin ang lahat ng rice importation sa loob ng 60 days.

Sinabi ni Enverga very timely ang direktiba lalo at nasa peak ng harvest season ang ating mga local farmers.