-- Advertisements --

Nagliyab ang isang pampasaherong bus habang ito ay nasa North Luzon Expresway (NLEX) nitong madaling araw ng Linggo.

Mabilis namang nakalabas sa bus ang nasa 51 na pasahero nito.

Agad namang rumesponde ang mga otoridad at mabilis na naapula ang sunog.

Patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing pagkasunog ng bus.