-- Advertisements --

Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na babagal ang inflation rate o pagtaas sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo sa bansa

Sa forecast ng central bank, tinatayang babagal sa 0.5% hanggang sa 1.3% ang inflation rate.

Ito ay mas mababa kumpara sa 1.4% inflation rate na naitala noong buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Paliwanag ng BSP na nakikitang pangunahing nakapag-ambag sa mga presyo noong Hulyo ay ang mas mataas na presyo sa karne at gulay bunsod ng pananalasa ng mga kalamidad, gayundin ang pagtaas ng singil sa kuryente, presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa at ang pagtamlay ng halaga ng piso.

Subalit, maaari umano itong bahagyang ma-offset ng patuloy na pagbaba ng presyo ng bigas.