-- Advertisements --

Magiging bahagi na ng 2024 NBA champion na Boston Celtics ang power forward at 1-time NBA champion na si Chirs Boucher matapos pumirma ng 1-year, $3.3 million contract.

Si Boucher ay naging bahagi ng Toronto Raptors sa loob ng pitong season. Isa siya sa mga Raptors player na nag-uwi ng championship noong 2019 laban sa Golden State Warriors.

Sa pananatili niya sa naturang koponan, hawak niya ang maraming franchise record tulad ng all-time leader sa points (3,256), double-doubles (49), rebounds (1,897), blocks (347), nagawang three-pointers (334), nagawang field goals (1,518), minutes played (6,546), at games played (383) bilang bench player.

Pangalawa din siya sa lahat ng Raptors player na may pinakamaraming nagawang steals (176).

Inaasahang magiging malaking tulong sa Boston ang batikang forward, lalo ngayon at hindi pa makakabalik si Celtics star Jayson Tatum mula sa kaniyang injury nitong nakalipas na playoffs.

Posibleng maglalaro din ito bilang starter, kapalit ni Tatum sa forward position o sentro.

Ang 32-anyos na forward ay isa sa mga baging addition sa Boston roster kasunod ng tuluyang pag-alis nina Kristaps Porzingis at Jrue Holiday, dalawa sa mga batikang Celtics star na bahagi ng championship team noong 2024.

Kasabay niyang napasok sa Boston si Grorges Niang sa isang hiwalay na trade.