Nadagdagan pa ng 2,006 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa inilabas na case bulletin ng ahensya, umaabot na sa 378,933 ang total ng coronavirus cases sa bansa.
“13 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on October 29, 2020.”
Mula sa 21,039 na sumailalim sa test as of 12:00pm nitong Huwebes, nasa 1,442 lang ang nag-positibo. Katumbas daw nito ang 6.9% na positivity rate o porsyento ng mga nag-positibo mula sa populasyong nagpa-test sa COVID-19.
Ayon sa DOH, 93% ng mga bagong iniulat na kaso ng sakit ay nag-positibo sa nakalipas na 14 na araw.
“Of the 2,006 reported cases today, 1,865 (93%) occurred within the recent 14 days (October 17 – October 30, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (500 or 27%), Region 4A (406 or 22%) and Region 6 (176 or 9%).”
Ang lalawigan ng Batangas naman ngayon ang nangunguna sa mga lugar sa bansa na pinanggalingan ng newly-reported cases na nasa 124. Sinundan ng Cavite, Quezon City, Rizal, at Bulacan.
Samantala, ang bilang ng mga nagpapagaling pa ay nasa 41,291. Patuloy namang umaakyat ang total recoveries na ngayon ay nasa 330,457 na dahil sa nadagdag na 636.
Habang 38 ang bagong report na namatay sa sakit, kaya ang total deaths ay nasa 7,185 na.
“Of the 38 deaths, 15 occurred in October (39%), 11 in September (29%) 7 in August (18%) 1 in July (3%) 2 in June (5%) and 2 in May (5%). Deaths were from NCR (12 or 32%), Region 6 (10 or 26%), Region 3 (5 or 13%), Region 4A (5 or 13%), Region 8 (2 or 5%), Region 10 (2 or 5%), Region 7 (1 or 3%), and Region 12 (1 or 3%).”
May walong duplicates daw na tinanggal ang ahensya mula sa total case count, kung saan apat ang mula sa hanay ng recoveries.
“Moreover, 23 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”