Umabot na sa 451,839 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Ngayong araw nadagdagan pa ng 1,135 ang total cases. Pero hindi pa raw kasali rito ang datos ng 13 laboratoryo na hindi nakapag-pasa ng report kahapon.
“13 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 14, 2020.”
Ayon sa DOH, ang lalawigan ng Rizal ang may pinakamaraming bagong kaso na umabot sa 117. Sumunod ang Bulacan na may 84, Quezon City na may 71, Isabela na may 39, at Laguna na may 38.
Nasa 24,135 pa ang active cases o nagpapagaling na pasyente. Nadadagan naman ng 173 ang total recoveries, na ngayon ay nasa 418,867 na.
Habang ang total deaths ay nasa 8,812 na matapos madagdagan ng 56 na bagong namatay.
“29 duplicates were removed from the total case count. Of these, 9 recovered cases and a death have been removed. Moreover, 20 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”