Pumalo na sa 407,838 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Nitong Linggo, November 15, nang mag-ulat ang ahensya ng 1,530 additional COVID-19 cases.
“9 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System on November 14, 2020,” ayon sa DOH.
Batay sa case bulletin ng ahensya, ang lalawigan ng Cavite ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng sakit sa 90.
Sinundan ng Rizal (84), Lungsod ng Maynila (79), Davao City (78), at Taguig City (73).
Ang bilang ng mga nagpapagaling ay nabawasan dahil sa Oplan Recovery, kaya ngayon ay nasa 25,677 na lang.
Nadagdagan naman ng malaking bilang ang total recoveries sa 374,329 dahil sa 11,290 na mga bagong iniulat na gumaling.
Habang 41 ang additional sa total deaths na 7,832.
“12 duplicates were removed from the total case count. Of these, 8 were recovered cases. In addition, 17 recovered cases found to be negative and were removed from the total case count after final validation.”
“Moreover, 4 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”