Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang publiko na gamitin ang Pambansang Wikang Filipino sa lahat ng kanilang magiging transaksyon ngayong Agosto na siyang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa.
Sa isang pahayag, inilabas ng ahensya ang isang direktiba sa ilalim ng memorandum circular no. 2025-076 na ang lahat ng mga probinsiya, lungsod, munisipalidad at mga opisyal ng baranagay ay dapat bumuo ng mga aktibidad na siyang humihimok sa publiko na gamitin ang Filipino bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa naturang selebrasyon.
Samantala, ang selebrasyon ngayong taon ay may temang “Paglinang sa Filipino, at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa” kung saan mayroon pa itong lingguhang tema na:
- Aosto 10-16: Wikang Pangkasarian
- Agosto 17-23: Ang Pangangalaga sa Katutubong Wika at Kaalaman bilang Pangangalaga sa Kalikasan
- Aug 24–30: Filipino at Wikang Katutubo: Wika ng Malayang Pamamahayag
Samantala, sa ilalim naman ng Executive Order no. 335, iniuutos naman na marapat lmang gamitin ng mga opisyal ng pamahalaan ang wikang Filipino sa lahat ng opisyal na transaksyon at maging sa pakikipag-komunikasyon sa ibang tao.