-- Advertisements --

Aminado ang Department of Health (DOH) na kulang ng tinatayang 94,000 contact tracers ang pamahalaan para sa paghahanap ng mga posibleng nakasalamuha ng COVID-19 cases sa bansa.

Sa isang panayam sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, may mga problemang hinaharap ang health system capacity ng bansa pagdating sa bilang ng health human resource o dagdag pwersa.

Ang ideal daw kasi na ratio ay isang contact tracer sa kada 800 katao.

Batay sa inisyal na ulat ng DOH, may tinatayang 38,000 contact tracers ang gobyerno.

Malayo pa ang numerong ito mula sa panukala ng economic team ng pamahalaan na 136,000 contact tracers na dapat ma-hire sa naturang trabaho.

Una nang sinabi ng isang opisyal mula sa World Health Organization na kakambal ng maayos na contact tracing ang pagbagal ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa.