Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,103 na mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw. Dahil dito lumobo pa ang total ng confirmed cases ng sakit sa 76,444.
Ayon sa DOH ang bilang ng mga bagong kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 ay dahil sa submission ng 78 mula sa 90 laboratoryo.
Mula sa total ng confirmed cases, nasa 50,063 ang aktibong kaso ng coronavirus na nagpapagaling pa.
Samantala, ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay 24,502 na bunsod ng 144 na naitalang bagong recoveries.
Ang total deaths naman ay nadagdagan umano ng 15, kaya ngayon may kabuuang bilang na ngayong 1,879.
“Forty-nine (49) duplicates were removed from the total case count. Of these, twenty-five (25) recovered cases and two (2) deaths have been removed after final validation.”
“Moreover, we have updated the health status of five (5) cases previously reported as deaths but after final validation were all recovered.These numbers undergo constant cleaning and validation.”