Nasa 104 ang naitala ng Department of Health (DOH) na mga bagong nag-positibo sa COVID-19 ngayong araw, April 7.
Dahil dito, umakyat pa sa 3,764 ang total number ng COVID-19 cases sa bansa. May 11 namang nadagdag sa 73 recoveries kahapon.
Patuloy namang kinakalap ng ahensya ang impormasyon tungkol sa lagay ng higit 3,000 pasyente na naitalang positibo sa COVID-19.
Batay kasi sa hawak na datos ngayon ng DOH, mula sa higit 3,000 nag-positibo: 274 ang mild case, 39 ang severe, habang 23 ang kritikal.
Ayon kay Sec. Duque, hinihintay pa nila ang update ng mga ospital kaugnay ng clinical status ng mga naka-confine pang pasyenteng infected ng sakit.
Aminado ang kalihim na halos 80-percent ng mga nag-positibo ay nasa Luzon, partikular na sa NCR.
Sa labas naman ng rehiyon, pinakamarami ang naitalang COVID-19 case sa Davao na 79 at Central Visayas na 39 reported cases.
Posible naman daw na ikonsidera ng kagawaran ang testing sa close contact ng positive cases kahit sila ay asymptomatic.