Nagpulong ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) upang pagtugmain ang mga hakbang sa pagpapabuti ng sektor ng enerhiya sa bansa.
Tinalakay sa pulong ang mga reporma tulad ng unti-unting pag-phase out ng mga diesel plant sa mga off-grid na lugar, pagpapalawak ng consumer choice sa kuryente, at pagpapataas ng performance standards ng mga power generator.
Kabilang sa mga tinutukan ay ang pagtutok sa paggamit ng renewable energy at storage systems sa mga liblib na lugar; pagpapabilis ng pagpapatupad ng Retail Competition and Open Access (RCOA); at pagpapalawak ng Green Energy Option Program (GEOP).
Mas mahigpit na regulasyon din ang ipapatupad sa microgrids at power generators.
Sa isang pahayag, sinabi ng dalawang ahensya na nananatili ang kanilang pagtutulungan upang maisulong ang transparency, efficiency, at proteksyon ng mga konsyumer sa lumalagong industriya ng kuryente sa Pilipinas.