Lorenzana
DND Sec. Delfin Lorenzana

Ikinagalak ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat magpaalam ang mga foreign warships na dumadaan sa Philippine territorial waters.

Sinabi ng kalihim na ito na ang pagkakataon para ipatupad ang ating batas sa katubigan ng bansa.

Nauna rito kinuwestiyon ng kalihim ang iligal na pagdaan ng mga Chinese warships sa Philippine territorial waters.

Pinag-aaralan na rin ngayon ni Lorenzana kung paano nila ipapatupad ang nasabing batas.