-- Advertisements --
Wala pang konkretong plano si 24-time Grand Slam tennis champion na si Novak Djokovic kung ito ay magreretiro na.
Sinabi ng 38-anyos Serbian tennis star na nananatiling hindi nawawala ang hilig niya sa tennis.
Target pa rin nitong makalahok sa 2028 Los Angeles Olympics.
Bagamat nasa world ranked number 4 ito ay masaya pa rin ito sa paglalaro ng tennis.
Mas pinipili niyang makaharap sa torneo ang ilang mga batang tennis players para subukan ang kaniyang lakas sa paglalaro.















