Novak Djokovic

Nasa unang puwesto na ng Association of Tennis Professionals (ATP) ranking si Novak Djokovic.

Naipanalo kasi ni Djokovic ang tatlong huling Grand Slam tournament na mayroong mahigit 3,000 points laban sa mahigpit na katunggali nitong si Rafael Nadal.

Pumangalawa naman si Nadal sa listahan habang nasa pangatlo si Alexander Zverez ng Germany.

Nasa pang-apat na puwesto ang tennis legend na si Roger Federer at pang-lima naman si Dominic Thiem.