Inilampaso ni Novak Djokovic si Daniil Medvedev para makuha ang ika-siyam na Australian Open title.

Djokovic and Medved
Djokovic and Medvedev/ Twitter post by Australian Open

Nagtala kasi ang world number 1 na score na 7-5, 6-2, 6-2 at nakuha ang ika-18th Grand Slam title.

Sa simula pa lamang ay paborito na manalo ang 33-anyos na Serbian tennis star kumpara sa 25-anyos Russian opponent nito.

Naging kalmado si Djokovic sa mga laro kumpara kay Medvedev na pinagtatapon ang raketa at pinagsisigawan ang mga kasama sa koponan sa bawat set na ito ay natatalo.