Inanunsiyo ni Serbian tenni star Novak Djokovic ang pagbibigay nito ng one million euros o $1.1-M bilang tulong sa bansa nito para makabili ng respirators at ibang mga gamit sa paglaban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Isinagawa nito ang anunsiyo sa pamamagitan ng video conference habang kasama ang pamilya sa Marbella city sa Spain matapos na sila ay naka-lockdown.

Plano nitong magpost ng mga ginagawa nitong ehersisyo habang ito naka-lockdown para may pagkaabalahan ito.

Pinasalamatan din nito ang China dahil sa pagbibigay ng mga medical equipment ng mga doctor sa Serbia.