-- Advertisements --
PLTGEN ARCHIE FRANCISCO GAMBOA
PNP OIC chief Lt. Gen. Archie Gamboa

kinumpirma ni PNP OIC Lt Gen Archie Gamboa na pipirmahan na niya ang dismissal order ng tatlong Police Major na sangkot umano sa pangongotong sa proponents ng body camera.

Ito’y sina Police Major Emerson Sales, Police Major Rholly Caraggayan at Police Major Angel Beros ng PNP bids and Award committee technical working group.

Sinabi ni Gambia mayroon aniyang 10 araw ang mga pulis para tumugon at iapela ang desisyon bilang bahagi ng due process.

Una nang sinabi ni PNP OIC na 2018 pa nasibak ang mga pulis sa pwesto matapos na magsumbong ang isa sa walong proponents sa pagbili ng mga body cameras ng PNP sa ginawa nilang pangongotong.

Kinumpirma rin ni Gamboa na dahil sa kotrobersiyal na pangongotong naantala ang pagbili at delivery ng mga body cameras na may pondong mahigit P334 million pesos.

” As I have promised, we will be transparent, those who are answerable especially those who are corrupt will be dismissed swiftly,
as fast as we could. But of course nakita niyo, we also award those who did good in the service,” pahayag ni Gamboa.