Naglabas ng reaksyon ang Office of the Ombudsman sa pamamagitan ng tagapagsalita nito na si Assistant Omb. Mico Clavano ukol sa hindi na pakikipag-cooperate ng mag-asawang Discaya sa Independent Commission for Infrastructure.
Ayon kay Assistant Ombudsman Clavano, ‘misguided’ umano sina Sarah at Curlee Discaya sa kanilang hakbang ginawa sa naganap na pagdinig ng ICI.
Tanging pakikipagtulungan lamang raw sa gobyerno ang ‘opsyon’ maaring gawin nila sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa flood control projects anomaly.
Kung saan ang pakikipagtulungan sa pamahalaan ukol sa flood control projects anomaly ay siyang maituturing bilang ‘public interests’ rin aniya.
“They are misguided. Cooperation with the government is their only option right now. It will serve the pubic’s interest as well,” ani Assistant Ombudsman Mico F. Clavano.
Kasunod ito nang ibahagi ni ICI Executiv Director Atty. Brian Hosaka na nag-invoke ang mag-asawang Discaya ng kanilang ‘right against self-incrimination’ sa pagdinig kaugnay sa kontrobersiya.