Na-promote na ngayon bilang opisyal sa Philippine Navy ang aktor na si Dingdong Dantes.

Ang nasabing balita ay kinumpirma mismo ng kanyang misis at aktres na si Marian Rivera sa kanyang Instagram account.

Makikita sa larawang pinost ni Marian na tinanggap ni Dingdong ang ranggong lieutenant commander, na katumbas ng major sa Army.

“[Lieutenant] Commander Jose Siexto G. Dantes III PN (Res),” saad sa caption ni Marian kalakip ang litratong kasama ang asawa.

“Super proud of my husband… Salute!”

Sa pahayag ng Navy, nagpa-enlist na noon pang taong 2006 sa Marine Reserve Force si Dingdong, kung saan may ranggo ito noon na master sergeant.

Nagamit naman daw ito ng aktor bilang oportunidad para makapaglingkod sa bansa at sa mga kababayan.

Kamakailan din nang samahan niya ang Navy sa pamamahagi ng 1,000 relief packs para sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa evacuation centers.