-- Advertisements --
Lalo pang lalakas ang pag-iral ng habagat na maghahatid ng ulan sa malaking bahagi ng ating bansa.
Ito ang sinabi ni Pagasa forecaster Samuel Duran, kasunod ng paglakas din ng tropical depression Dindo na nasa hilagang silangan ng ating bansa.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 610 km sa silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Samantala, ang isa pang bagyo ay huling namataan sa 1,180 km sa kanluran ng Northern Luzon.
Mas lumakas pa iyon habang papalayo sa ating bansa at isa na itong tropical storm.