Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Operations Epimaco Densing III, na nagpositibo siya sa COVID-19.
Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Densing na nasa isang ospital na siya at sumasailalim sa proseso para gumaling.
Nanawagan din ito sa publiko na pag-ibayuhin pa ang pag-iingat, upang hindi na makadagdag sa listahan ng mga biktima ng coronavirus.
Ginawa raw niya ang anunsyo ukol sa naturang kondisyon dahil naniniwala itong bahagi ng obligasyon sa publiko na isiwalat ang mahalagang impormasyon para maagapan ang posible pang pagkalat ng sakit.
“As part of my obligation as a public official under this public health emergency, I would like to announce that I have been tested positive of the Covid19 Virus. I am now being taken cared of at the hospital of my choice and my body has been responding positively,” wika ni Densing.
Humingi rin ito ng panalangin para malagpasan ang kinakaharap na pagsubok.
“…nangayo ko sa inyong pag-ampo na malampasan nako ning bag-ong hamon sa akong ginabuhi! Dili ko paapekto. Mu-Payts ko. And in all our prayers, please do not forget to prayers for President Duterte and most especially our country!” dagdag pa ng DILG official.