Binalaan ng Deparment of Interior and Local Government (DILG) ang mga local government unit (LGUs) lalo na ang mga nagpahintulot na ng operasyon ng sabungan sa kanilang mga lugar.

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, wala pang ipinalalabas na resolusyon ang Inter-Agency Tak Force for the Management of the Infectious Diseases (IATF) na pumapayag na maaari nang maibalik ang sabong.

Ayon kay Usec. Malaya, nakarating sa kaalaman ng pamunuan ng DILG na may ilang LGUs na ang nagpalabas ng kani-kanilang executive order na nagpapahintulot nang muling makapag-operate ang mga sabungan sa kanilang lokalidad.

Payo ni Usec. Malaya sa mga LGUs, hintayin ang kaukulang direktiba mula sa IATF.