Pinag-aaralan ng Department of the Interior and local Government (DILG) ang posibleng parusa sa mga lokal na opisyal na bumiyahe sa ibang bansa sa kabila ng travel ban noong kasagsagan ng Bagyong Tino at Super Typhoon Uwan.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, nasa 20 opisyal ang nagtungo abroad kahit kanselado na ang kanilang leave.
Ani Remulla, pinag-aaralan na ng ahensya ang mga legal na hakbang laban sa kanila.
Kabilang sa mga binanggit si Isabela Governor Rodolfo Albano III, na kasalukuyang nasa Germany para sa agricultural fair. Nangako itong uuwi agad, ngunit ayon kay Remulla, maaari itong maharap sa disiplinary action.
Matatandaan noong Nobyembre 9, naglabas ng direktiba ang DILG na ipagbawal ang lahat ng foreign trips ng mga lokal na opisyal hanggang Nobyembre 15, alinsunod sa batas na nag-aatas sa kanila na manatiling pisikal na naroroon sa kani-kanilang nasasakupan sa panahon ng kalamidad.
















