Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi na kailangan ang mga voter’s ID para makakuha ng quarantine passes o mga food packs.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, na hindi dapat ituring ng mga barangay official na ang implementasyon ng enhanced community quarantine bilang kampanya sa election.

Hindi dapat pulitikahin ang nasabing pagbibigay ng mga food packs dahil malayo pa ang halalan.

Binalaan niya ang mga barangay officials na mananagot sila kapag makatanggap siya ng reklamo laban sa mga barangay officials.