-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na aayusin pa ang mga ordinansang inaprubahan ng mga local government units (LGUs) at ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga indibidwal na hindi nagsusuot ng face masks.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, makikipagpulong sila sa Philippine National Police (PNP) para tukuyin ang parameters ng bagong direktiba ni Pangulong Duterte.
Sinabi rin ni Malaya na sa ngayon ay magkakaiba ang penalties na ipinapataw ng mga LGU laban sa mga lumalabag sa ordinansa hinggil sa pagsuot ng face masks habang nasa mga pampublikong lugar.
Sa kasalukuyan, maaari lamang hulihin ang isang indibidwal na lumabag sa ordinansa ng mga LGU kung hindi ito susunod sa mga pulis.