Supreme Court

Pinayuhan ngayon ng 2020/2021 Bar Chairperson Supreme Court (SC) Justice Marvic Leonen ang lahat ng mga bar hopefuls na ngayon pa lamang ay mag-aral at mag-review na ang mga ito ng mabuti para sa bar examination ngayon taon.

Ito ang naging pahayag ni Leonen matapos aprubahan na ng Korte Suprema ang digitalized, localized at proctored modality para sa 2021 bar examinations.

Sa Court En Banc resolution na inisyu ng Korte Suprema, tuloy na tuloy na ang bar exam sa apat na araw ng Linggo sa buwan ng Nobyembre partikular sa Nobyembre 7, 14, 21 at 28.

Noong nakaraang taon nang ipagpaliban ng Korte Suprema ang bar examination matapos tumama ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.

Maalalang nong Enero 31, 2021 ay matagumpay ang pilot (Mock) bar examinations o ang small-scale simulation para ma-assess ang viability ng panukalang reporma sa hudikatura.

-- Advertisement --

Isinagawa ito sa Metro Manila, Baguio City, Cebu at Davao.

received 483733262791592 1

Nasa 80 estudyante naman ang nahati-hati sa apat na areas na pagdadausan ng bar exam sa pamamagitan ng computer software habang at sinupervise sa testing rooms. 

Dito napatunayang puwedeng magsagawa ng bar exam sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Samantala, ang susunod na step naman ay ang proposals para sa mga local testing sites gaya ng law schools ay kailangang matanggap muna ng SC, ito ay ma-evaluate at masertipikahan.

Ang minimum requirement ay ilalabas ng kataas-taasang hukuman sa susunod na linggo at ang aplikasyon ay posibleng tatanggapin naman sa buwan ng Abril.

Kasunod nito, isasali naman ng audit teams ang mga personnel mula sa Office of the Bar Chairperson, Office of the Bar Confidant, Management Information Systems Office at Security Division at sila ang mag-e-evaluate sa testing sites.

Iaanunsiyo naman ng Korte Suprema ang mga papasang testing sites bago ang period ng bar examinations.

Napagdesisyunan naman ng en banc na ang Office of the Bar Chairperson ang mangangasiwa para sa procurement process at ang pag-hire sa mga kinakailangang personnel.

Kapag nadetermina na ang mga local testing sites iaanunsiyo naman ng SC ang guidelines para sa application sa mga kukuha ng bar examinations at magsisimula nang tumanggap ng mga aplikasyon sa buwan ng Mayon.

Isasagawa naman ang aplikasyon sa pamamagitan ng Online Application System.

Hindi na raw kailangang pumunta pa sa Manila ang aplikante partikular sa Office of the Bar Confidant, maliban na lamang kapag inatasan itong ipaliwanang ng personal ang authenticity ng mga isinumiteng dokumento.

Ang lahat naman ng mga nakakumpleto ng kanilang requirements para sa bar examination ay kailangan nilang i-download at i-familiarize ang gagamitng computer software.

Sa mga magba-bar exam, kailangan nilang dalhin ang kanilang sariling laptop na may WiFi na mayroong integrated display screen, keyboard, trackpad o pointer device at kailangang mayroon sapat na internal battery power. 

Puwede namang gamitin ang Mac o Windows operating systems na laptop.