Reading Time: 1 minute

Hindi na pinatagal ng mga miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang pag-apruba sa appointment ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Gregorio Honasan.

Sa committee level, inindorso ni San Juan City Rep. Ronnie Zamora ang ad interim appointment ng dating ng senador, habang sa panig ng Senado ay isinulong naman ni Sen. Joel Villanueva.

Pagdating naman sa plenayo, si Negros Occidental Rep. Genaro Alvarez Jr. na ang naging indorser.

Kaya naman unanimous vote ang nakuha ni Honasan mula sa mga miyembro ng CA.

Matatandaang naging kultura na sa CA ang mabilis na paglusot ng mga dating mambabatas, dahil wala na halos kumukwestyon sa kapasidad ng mga ito na gampanan ang trabaho dahil magkakakilala na sila.