-- Advertisements --
Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na makagawa ng 8 milyon na digital jobs pagdating ng 2028.
Kasunod ito sa paglunsad nila ng “Trabahong Digital” ngayong National Information Communications Technology (ICT) month.
Ayon sa DICT na para makamit ito ay kanilang palalakasin ang internet connectivity sa mga malalayong lugar.
Dahil dito ay maibebenta na ng bawat lugar ang kanilang lokal na produkto sa iba’t-ibang online platform.
Makakamit aniya nila ang nasabing target dahil na rin sa tulong ng mga iba’t-ibang local government units at mga private partners nila.