-- Advertisements --

Nasa 30 katao ang nasugatan matapos ang pagsabog ng isang gasolinahan sa Rome.

Ayon kay Rome Mayor Roberto Gualtieri, na nagkabasag-basag ang bintana ng katabing gusali at maging ang mga sasakyang nakaparada sa lugar.

Bago ang nasabing pagsabog ay itinawag na sa mga otoridad ang naamoy na gas leak kung saan agad na pinalikas ang mga residente sa lugar.

Kabilang sa nasugatan ang 10 mga kapulisan kung saan isa sa mga miyembro nila ay bumbero.

Dinala na sa pagamutan ang mga sugatang biktima habang tinanggal naman ng mga otoridad na sinadya ang nasabing insidente.