-- Advertisements --

Napiling kakanta sa opening ceremony ng Milano Cortina 2026 Winter Olympics si Italian tenor Andrea Bocelli.

Ayon sa organizers na isang iconic ang pagtatanghal ni Bocelli na naging bahagi rin noon ng Turin Olympics 2006.

Ang kaniyang presensiya ay nagrerepresenta ng natural na tulay sa pagitan ng musika at palakasan.

Gaganapin ang opening ceremony sa San Siro Stadium sa Milan, Italy sa darating na Pebrero 6.

Ilan sa mga napiling magtanghal ay sina Mariah Carey at Italian singer at songwriter na si Laura Pausini.