BUTUAN CITY – Nai-mobilize na ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang internet connectivity support program sa isinagawang off-grid energization sa Datu Saldong Domino Elementary School sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte.
Ito’y bahagi ng mas pinalawak na inisyatiba upang ma-empower ang mga sobrang malalayong mga paaralan sa pamamagitan ng digital access ilalim sa progamang ‘Free Wi-Fi for All’ na dinaluhan via zoom nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at DICT Secretary Henry Aguda.
Sa virtual interaction, nai-connect ang iilang mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDA na naging highlight sa nagpapatuloy na development ng digital connectivity efforts ng gobyerno.
Kaagad namang ini-ulat ni Agusan del Norte Governor Ma. Angelica Rosedell Amante kay Pangulong Marcos ang matagumpay na internet connectivity na syang nag-inspire sa mga mga Higaonong mag-aaral na papasok na palagi sa kanilang klase.
Ang nasabing aktibidad ay sinaksihan mismo ni Department of Education Secretary Sonny Angara na siya namang nunguna sa blessing and inauguration ng Alternative Learning System o ALS Community Learning Center sa nasabi ring bayan.