-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Department of Information and Communications Technology ang planong abot kayang ‘internet’ na hatid sa bago at naging ganap ng batas na Konektadong Pinoy.

Ayon sa kagawaran, ito mismo ang isa sa mga aasahan umano na posibleng maidulot ng naturang batas kasunod ng implementasyon nito.

Maaalalang nauna ng inihayag ng kagawaran ang pagkatuwa nang tuluyan ng mapasabatas ang Konektadong Pinoy na layon mapalawak ang koneksyon sa bansa.

Kaya’t ibinahagi ng kasalukuyang kalihim nito na si Secretary Henry Rhoel Aguda na target din ng kagawaran na masegurong may ‘internet’ sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa bansa.

Aniya’y nais nila itong maisakatuparan sa pagtatapos ng taon kasabay ng planong malagyan din ng koneksyon maging ang mga pampublikong health centers ng iba’t ibang mga lugar.

Samantala, iginiit naman ng kasalukuyang kalihim ng kagawaran na ang bagong batas na Konektadong Pinoy ay makatutulong umano mapaigting ang ‘cyerber security’ bansa.

Ito’y sa kabila ng mga isyu na nakikitaan ito ng banta lalo na sa pagpasok ng mas maraming kumpanya ng telecommunications sa bansa.

Kaya’t binigyang diin ni Secretary Aguda na sesentro ang naturang batas hindi sa telecommunication companies kundi sa karapatan ng publiko na masegurong may maayos at maasaahang koneksyon ng internet sa bansa.

Sa pagpapasabatas ng Konektadong Pinoy, layon rin dito na makahikayat ng mga bagong Internet Service Providers sa bansa.

Habang tiniyak ng kalihim ang pagkakaroon ng pagpupulong kasama ang mga stakeholders para sa draft ng Implementing Rules and Regulations o IIR.

Target itong matapos ng hindi lalagpas sa loob ng 90-araw.