-- Advertisements --

DICT at DOJ inaayos na ang paglalagay ng one-stop shop sa mga liblib na lugar sa sim registration

Pinaplantsa na ng Department of Information and Communications Technology o DICT katuwang ang Department of Justice para maglagay ng one stop shop sa mga liblib na lugar sa bansa.

Sinabi ni DICT spokesperson Ana Mae Lamentillo na pangunahing layunin ng hakbang na ito ay para makakuha ng nbi clearance ang publiko na pwede nilang gamitin sa pagpapa rehistro ng kanilang sim card.

Maliban kasi sa valid id, pwedeng gumamit ng iba pang government issued documents o id tulad ng nbi clearance sa sim registration.
Ayon kay lamentillo, nakatakda silang magpulong ng inter-agenc ad hoc committee para isapinal ang guidelines para sa roll out o paglulunsad ng sim registration sa malalayong lugar sa bansa.

Sa una nang pahayag ni Lamentillo, higit 21.7 milyon na ang sim card na naiparehistro.

Ipinaalala rin ni lamentillo na hanggang April 26 ngayong taon lamang ang registration at kapag lumampas sa petsang ito at hindi pa nakapag rehistro ay otomatikong hindi na gagana ang sim card.

Dahil dito ay hinihimok ni lamentillo ang publiko na wag nang hintayin ang deadline ng pagpaparehistro para hindi sila magkumahog, sa halip ay agapan na ito.